PHOTO | IFORMATION DEPARTMENT OF U.S. EMBASSY IN THE PHILIPPINES

Ni Vivian R. Bautista

ANG gobyerno ng Estados Unidos, sa pamamagitan ng United States (U.S.) Agency for International Development (USAID) ay nag-anunsyo nitong ika-24 ng Agosto ng $5 million o katumbas ng 283-milyong pisonh proyekto upang matulungan ang Department of Education (DepEd) ng bansang Pilipinas na tugunan ang mga hamon sa edukasyon kabilang ang pagpapalakas ng kapasidad nito sa pagtatasa ng kalidad ng edukasyon sa mga mag-aaral na Pilipino.

“As an enduring friend, partner, and ally, the U.S. government, through USAID, will continue to work with local partners to make quality education accessible to all educators and learners wherever they are in the Philippines so we can build stronger and more prosperous communities ,” ani USAID Philippines Deputy Education Director Yvette Malcioln.

Sa suporta ng iba’t ibang implementing partners, ang limang taong proyekto ng USAID na “Improving Learning Outcomes for the Philippines” o ILO-Ph ay tutulong sa nasabing ahensya sa pagdidisenyo, pagpapatupad, at pagsusuri ng buong hanay ng mga programang pang-edukasyon nito, mula sa early childhood education hanggang sa workforce development.

Sa pamamagitan ng ILO-Ph, ang USAID ay magbibigay sa DepEd ng on-demand na teknikal na tulong, regular na konsultasyon, at pagsasanay upang mapabuti ang mga strategic communications at data analysis system nito. Ito ay magbibigay-daan sa DepEd na mas masubaybayan ang progreso ng mga Filipino learners sa standardized examinations at masukat ang learning recovery mula sa COVID-19 pandemic.

Susuportahan din ng ILO-Ph ang DepEd sa pagsasagawa ng pananaliksik na may kaugnayan sa patakaran upang matulungan ang mga Filipino educator na mapahusay ang kanilang mga pamamaraan sa pagtuturo at positibong makakaapekto sa mga resulta ng pag-aaral.

Sinabi rin ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte-Carpio ang bagong partnership na isang “significant milestone” na magpapalakas umano sa layunin ng ahensya na tugunan ang mga hamon sa basic education sa ilalim ng bago nitong “MATATAG: Bansang Makabata, Batang Makabansa” agenda.

“The impact of policy-relevant research and technical assistance on educators and young learners can be profound. These can alter the fate of their future and consequently, the course of our nation,” pahayag ni Duterte.

“In the face of challenges and changes, initiatives like ILO-Ph offers hope and inspiration. I wholeheartedly support this noble project and encourage all stakeholders to tap into its transformative potential,” aniya pa.