Photo courtesy | Maria Nancy Socrates Facebook
Ni Marie F. Fulgarinas
PUERTO PRINCESA CITY — Benepisyaryo ng 10 milyong pisong educational assistance ang nasa dalawanlibong (2,000) estudyante ng Palawan State University (PalSU) na inisyatibo ni Senadora Imee Marcos, ayon kay Vice Mayor Maria Nancy Socrates.
Ani Socrates, sa tulong umano ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS ng the Department of Social Welfare and Development (DSWD), nabigyang-tulay ang nasa dalawanlibong mga kabataang benepisyaryo na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo ng libre.
Ayon pa sa Bise Alkalde, si Senadora Marcos “has a soft spot in her heart for Palaweños, one reason that inspired her to initiate the distribution of the Educational Assistance to the Iskolar ng Bayan of PSU.”
Samantala, naroon sa kaganapan sina PSU Prof. Vincent Esguerra, OIC-VP for Student Affairs; Dr. Amabel Liao, VP for Finance and Administration; at Dr. Rossana Colendra, Director for Admission, Testing, and Evaluation.