Photo courtesy | CIO Puerto Princesa
PALAWAN, Philippines — Aarangkada sa lungsod ng Puerto Princesa ang ikalawang (2nd) International Dragon Boat Festival na gaganapin sa City Baywalk sa darating na Sabado at Linggo, Nobyembre 18 at 19.
Matutunghayan ang tunggalian ng mga mahuhusay na grupong manlalaro mula sa Pilipinas at iba’t ibang panig ng mundo para masungkit ang titulo at kalakip na papremyo.
Ang nasabing sports event ay may dalawang (2) major categories na paglalabanan: 500m event at 200m event category.
Sa kategoryang 500m event, mayroong women’s 10 seaters, men’s 10 seaters, at mixed 20 seaters; sa 200m Event naman ay mayroong Women’s 10 seater event, Men’s 10 seater event, Mixed Mastes 40 + 10 seaters, at Mixed 20 seaters.
Kaugnay rito, magsisimula nang 5:30 ng madaling araw ang kaabang-abang na labanan ng bilis, lakas, diskarte at teamwork ng bawat group ‘paddlers’ sa buong mundo.
Ang nasabing sports’ event ay hatid ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa sa pangunguna ni City Mayor Lucilo Bayron na naglalayong mapalakas ang “Sports Tourism” industry ng lungsod maliban sa pagtataguyod ng “Eco-tourism Sites”.