PHOTO | PRO MIMAROPA

Ni Ven Marck Botin

TIMBOG ng mga awtoridad ang tatlong kalalakihang nagto-tong-its sa Sitio Tarabidan, sa nabanggit na barangay, sa lungsod ng Puerto Princesa, nitong ika-1 ng Setyembre.

Batay sa ikinasang operasyon ng City Police Office, naaresto ang mga suspek na sina Marcelino Pascual Bacomo, Ruben Tabang Romero, at Joseph Gerrero Pardian.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Batas Pambansa Blg. 1602 o mas kilalang “violations of Philippine Gambling laws”.

Dagdag dito, nakuha sa mga ito ang mahigit dalawanlibong halaga ng salapi, baraha, at iba pang paraphernalia.