Ni Marie Fulgarinas

PUERTO PRINCESA CITY — PATAY ang tatlong (3) Pilipinong mangingisda lulan ng kanilang fishing vessel matapos banggain nang hindi pa nakilalang foreign commercial vessel sa Bajo de Masinloc sa West Phillipine Sea, ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard.

Batay sa impormasyon na ibinahagi ng crew member ng FFB Dearyn sa PCG, naganap ang insidente bandang alas kuwatro bente (4:20) nang umaga nitong araw ng Lunes, ika-2 ng Oktubre, habang nakatambay sa payao ang kanilang bangka sa layong 85 nautical miles northwest ng Bajo de Masinloc sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ayon pa sa ahensya, agarang lumubog ang nasabing bangka na nagresulta sa agarang pagkamatay ng tatlong crew members kasama ang kanilang kapitan.

“The 11 crew members who survived the maritime incident utilized their eight service boats to leave the vicinity waters and transport the deceased victims to Barangay Cato, sa bayan ng Infanta, Pangasinan,” pahayag ng ahensya.

Dagdag ng ahensya, dumating kahapon, bandang alas diyes (10 am) nang umaga ang mga ‘survivors’ na iniulat ang insidente sa pinakamalapit na Coast Guard sub-station para sa ‘necessary assistance’.

Author