PHOTO || PCSD

Ni Vivian R. Bautista

AABOT sa tatlumpu’t isang (31) Chainsaw units ang isinoli ng mga kawani ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) – City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) sa bayan ng Taytay, Palawan nitong ika-11 ng Hulyo, taong kasalukuyan.

Ang mga yunit ng Chainsaw na nasamsam sa pamamagitan ng enforcement operations ng DENR-CENRO sa mga bayan ng Taytay at El Nido ay ipinasa sa PCSDS District Management Division (DMD)-North at ECAN Zones Management Division (EZMED), batay sa ulat ng PCSDS.

Ang Chainsaw Act of 2002 ay isang batas na kumokontrol sa pagmamay-ari, pagbebenta, pag-angkat at paggamit ng Chainsaw, ang batas na ito ay nagpapatupad ng patakaran ng Estado upang maprotektahan ang mga yamang kagubatan sa bansa, at ang sinumang lumabag sa nasabing batas ay may kakaharaping kaukulang parusa.

Samantala, ang PCSD ay nagsisilbing pangunahing tagapagpatupad ng Republic Act No. 9175 o ang Chainsaw Act of 2002 sa lalawigan ng Palawan.

Author