Ni Marie F. Fulgarinas
PUERTO PRINCESA CITY — Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaki makaraang mahulihan ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng 340,000 pesos na nakasilid sa isang parcel nitong Miyerkoles, Pebrero 14, sa Malvar St., Lungsod ng Puerto Princesa.
Sa impormasyong nakalap ng
Repetek News
, may parcel na naglalaman ng diumano’y ‘shabu’ na nakapangalan sa suspek na kung saan positibo na naglalaman ito ng iligal na droga nang dumaan sa validation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).Agarang nagsagawa ng interdiction operation ang mga awtoridad at pagkuha ng suspek ng kanyang parcel, nakumpiska ang isang kahon na naglalaman ng apat (4) na transparent plastic bags na may lamang fried garlic, dalawa (2) rito umano ay naglalaman naman ng pinaghinihinalang shabu na nakasilid sa electrical tape.
Kinilala ang suspek na si Jonar Gonzaga, 48-taong gulang, drayber, at residente ng Brgy. Mandaragat, nabanggit na Lungsod.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.