PATULOY ang pagpaparehistro ng mga mamamayan ng lalawigan ng Palawan at lungsod ng Puerto Princesa para makaboto sa 2025 National and Local Election (NLE).
Sa ibinahaging datos ng Commission on Elections (Comelec) Palawan nitong Mayo 20,2024 ang kanilang tanggapan ay mayroon nang naiprosesong 36,566 aplikasyon simula ng buksan ang voters registration ngayong taon.
Sa nasabing bilang, 18,040 dito ang mga lalaki at 18,526 ang mga babae.
Pagdating sa application type: New Registration; 14,906; Transfer from another city/municipality- 10,930 ; Transfer within the same city/ municipality- 6,049; Reactivation- 2,925; Change of name-1,641 at transfer from OAV- 115.
Ang datos naman ng naitalang aplikasyon sa lungsod ng Puerto Princesa ay 19,508; Bataraza-2,419; Brooke’s Point- 1,862; Coron-1,755; Taytay-1,657; Rizal- 1,210; Narra- 1,045; Sofronio Española- 1,006; Quezon; 746; Culion-727; Roxas-700; San Vicente- 681; El Nido-599; Aborlan-587; Busuanga-514; Balabac – 442; Araceli – 263; Cuyo – 211; Dumaran – 170; Kalayaan – 146; Cagayancillo -101; Magsaysay – 88; Linapacan – 80 at Agutaya – 49.
Matatandaan, ang voters registration ay nagsimula noong ika-12 ng Pebrero at magtatapos sa darating na Setyembre 30, 2024.
Inaasahan ng Comelec Palawan na humigit-kumulang 100,000 aplikasyon ang kanilang matatanggap sa voters registration sa pagitan ng nabanggit na panahon.
Mahigit isang buwan pa lamang na binuksan ang pagpaparehistro ay nakapagproseso na ang tanggapan ng nasa 21,000 aplikasyon at kung magtutuluy tuloy ito ay malaki ang posibilidad na mahigitan pa ang target na 100,000 aplikasyon.