PALAWAN, PHILIPPINES – AABOT sa tatlong libong (3,000) mangrove seedlings ang naitanim sa Sitio Balisungan, Barangay Tagumpay, Coron, Palawan, kahapon, Abril 28, 2024.
Ang nasabing aktibidad ay inorganisa ng Coast Guard Station Northeastern Palawan sa pamumuno ni CG ENS Friendly R. Mercado, Station Commander kaugnay ng Task Force Ingat Yamang Dagat, isang community-led mangrove reforestation green cause project, na sumasaklaw sa kabuuang lawak ng 3,000-square-meter mangrove forest ng naturang bayan.
Ayon sa CGS- Northeastern Palawan, ang inisyatibang ito ay naglalayong isulong ang kamalayan sa kapaligiran at mga pagsisikap sa pangangalaga sa lokal na komunidad sa pamamagitan ng mga collaborative partnership.
Nasa kaganapan din ang mga miyembro ng Philippine Coast Guard Auxiliary 406th Calamianes Squadron, Balisungan Marine Protected Area, PNP Maritime Group, Bureau of Fire Protection (BFP), DENR, Local Government Unit Coron, at Non-Government Organizations, gayundin ang mga empleyado ng mga hotel ng nasabing bayan.