PHOTO//EDWARD HAGEDORN OFFICIAL

Ni Ven Marck Botin

GUEST Speaker sa Graduation Rites ng Cluster 4 ng Palawan State Univeristy (PSU) Main Campus si Dating Puerto Princesa Mayor at kasalukuyang Palawan 3rd District Representative Edward Hagedorn.

Ngayong araw isinagawa ang seremonyas ng mga nagsipagtapos mula sa Cluster 4 na binubuo ng College of Nursing and Health Sciences (CNHS), College of Teacher Education (CTE), at College of Criminal Justice Education (CCJE).

Ito ang ika-53rd Commencement Excercises ng PSU at by-cluster ang graduation rites upang maiwasan ang congestion habang isinasagawa ang seremonyas.

Binubuo ng 663 candidates for graduation ang cluster 4 na kung saan ay 269 dito ay mula sa CNHS, 194 mula sa CTE, at 170 namang ibinida ng CCJE.