PUERTO PRINCESA – Apat (4) na katao ang nailigtas ng mga rumespondeng tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Culion nitong katapusan ng Disyembre, matapos masiraan ang kanilang sinasakyang bangka sa katubigang sakop ng Somaco Island.
Agad na nagsagawa ng rescue operation ang MDRRMO personnel matapos makatanggap ng tawag ang kanilang tanggapan.
Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, ang nasabing bangka ay nagmula pa umano sa Barangay Concepcion, bayan ng Busuanga, Palawan.
Maayos naman umanong naihatid ng mga kinauukulan ang apat na pasahero patungo sa kanilang patutunguhan.
Ang agarang pagresponde sa mga bangkang na stranded o nabahura ay isinasagawa upang masigurong ligtas at makauwi ng maayos ang mga taong lulan ng bangka, ayon sa lokal na pamahalaan ng Culion.