PHOTO | PIO-PALAWAN

Ni Vivian R. Bautista

ISINAGAWA sa mga bayan ng Busuanga, Coron, Culion, at Linapacan ang Anti-Drug Program 2023 ng Provincial Government ng Palawan kung saan ay dinaluhan ng mga Punong Barangay, Barangay Kagawad na nakatalaga bilang committee chair on Peace and Order, Barangay Secretaries, at iba pang mga kinatawan mula sa iba’t ibang lokal na sektor.

Personal itong tinungo ng mga kawani ng Provincial Anti-Drug Abuse Program (PADAP) nitong nakaraang Agosto na ang layunin ay paigtingin ang kampanya sa tuluyang pag-iwas sa ipinagbabawal na gamot o droga.

Bukod dito, isinagawa rin ang Training at Orientation laban sa Drug Abuse and Illicit Trafficking sa Palawan.

Katuwang ng PADAP ang pamunuan ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Philippine National Police- Municipal Police Stations (PNP-MPS).

Lubos naman ang suporta at hangarin ni Gob. V. Dennis M. Socrates bilang PADAC Chairman na lalo pang paigtingin ang mga programa at kampanya ng PADAP na pinamumunuan ni Program Manager Eduardo Modesto Rodriguez upang tuluyang makamit ng lalawigan ang isang pagiging drug-free province, ayon sa tanggapan ng impormasyon ng kapitolyo.

Author