PHOTO || PHILIPPINE COAST GUARD

Ni Ven Marck Botin

KASALUKUYANG pinaghahanap ang apat (4) na nawawalang rescuers ng Pilippine Coast Guard (PCG) matapos maiulat na tumaob ang kanilang sinasakyang aluminum boat sa katubigang sakop ng bayan ng Abulug, lalawigan ng Cagayan, bandang alas-kuwatro ng hapon, kahapon, araw ng Miyerkules, ika-26 ng Hulyo 2023.

Batay sa ulat ng ahensya, papuntang M/Tug Iroquis na may layong 21 nautical miles mula sa bayan ng Aparri ang apat na nawawalang rescuers upang sagipin ang mga tripulanteng lulan ng naturang tugboat ngunit sa kasamaang-palad tumaob ang kanilang sinasakyang bangka sanhi ng malakas na hangin at malalaking alon dala ng #BagyongEgayPH.

Kaninang umaga nagsagawa ng SAR operation ang ahensya ngunit pansamantala itong itinigil dahil sa masamang lagay ng panahon.

Nakatakda namang magpadala ng Coast Guard Aviation Force (CGAF) helicopter ang ahensya sa naturang katubigan upang makatulong sa paghahanap sa apat na nawawalang PCG rescuers.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang search and rescue (SAR) operation upang maisalba ang mga nawawalang rescuers.