PUERTO PRINCESA CITY — Tatalakayin ngayong umaga, Oktubre 4, sa special session ng Sangguniang Panlungsod ang apat (4) na resolusyon at ordinansa na may kinalaman sa pagpanaw ng dating alkalde at Incumbent Palawan 3rd District Representative Edward Solon Hagedorn.
Ayon sa nakalap na impormasyon ng
Repetek News
, isa sa mga tatalakayin sa sesyon ang paghiling sa Commission on Elections sa pamamagitan kay Dating Commissioner at kasalukuyang COMELEC Chaiperson George Erwin Mojica Garcia na magsagawa ng special election para punan ang nabakanteng puwesto Ikatlong Distrito ng Palawan sanhi ng pagpanaw Kongresista batay sa Batas Republika Bilanh 7166 na iniakda ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.Dagdag dito, tatalakayin din ng konseho ang panukalang paglipat-pangalan ng New Green City Hall Building sa pangalan ng yumaong kongresista bilang pagpupugay sa kontribusyon ng dating alkalde sa lungsod ng Puerto Princesa.
Ilan sa mga kontribusyon ng dating alkalde: pagsama sa Puerto Princesa Underground River bilang isa sa New 7 Wonders of Nature; pagtayo ng City Baywalk; konstruksiyon ng City Coliseum at New Green City Hall.