Puerto Princesa City-Ang Marine Battalion Landing Team (MBLT)-9 katuwang ang City Government at SM Puerto Princesa ay nag-organisa ng isang Padyak Palawan na may temang Wheels of Unity, Protecting our Sovereignty.
Ito ay isinagawa kahapon, Mayo 18,2024 na nilahukan ng humigit-kumulang 400 bike enthusiasts mula sa hanay ng iba’t ibang law enforcement agencies tulad ng MBLT-9, Western Command, 3rd Marine Brigade, Philippine Navy, Philippine Coast Guard, City PNP at mga sibilyan.
Ang ruta ng pagbibisikleta ay may habang 30 kilometro na nagsimula sa Amphitheater ng SM PPC-Mendoza Street- Rizal Street- PPC North Road- Banga,Sta.Lourdes- Rafols Jr. Street- Balayong Road- PPC South Road- Malvar Road pabalik sa SM City Puerto Princesa kung saan ang starting at ending point ng biking event.
Ayon kay LT COL Alquin N. Canson PN(M), Commanding Officer ng MBLT-9 (MARU) ang Padyak Palawan ay isang unity ride para pagsama-samahin ang lahat ng siklista sa layuning magkaroon ng malusog na pangangatawan at kaisipan.
“Padyak Palawan is a unity ride that aims to bring together all biking enthusiast from all walks of life including government organization, non-government organization, private individuals and participants of all ages.
This biking activity unites the people of Palawan particularly the Puerto Princesa City not only to promote physical fitness, but also enhance mental health and provide a fantastic mode of transportation,” aniya.
Dagdag pa nito, kung iisipin ng ilan, ang pagbibisikleta ay isa lamang sports ngunit binigyang diin ng opisyal na ito ay mayroon pang mas malalim na kahulugan at kahalagahan dahil pinagbubuklod nito ang bawat isa para sa isang layunin.
“Biking is a powerful form of political expressions from individuals and communities. Through this event, participants forge bonds of friendship and solidarity, uniting in the shared pursuit of good health, wellness and community spirit,” dagdag pa ng opisyal.
Paliwanag pa nito, ang tema ng Padyak Palawan ngayon taon ay sumisimbolo ng hindi matatawarang suporta nang nagkakaisang Palawenyo “to save our sovereignty”.
Matapos ang aktibidad ay nagkaroon ng raffle na may major prizes na 3 bisikleta at special prizes tulad ng bike accessories; helmet, tumblr, t-shirt at iba pa.