PHOTO | DSWD MIMAROPA

Ni Ven Marck Botin

Dalawampu’t siyam (29) na benepisyaro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ang nakiisa at nagtulungan na mabuo ang proyektong Gulayan sa Paaralan ng mababang paaralan ng Salvacion, sa bayan ng Busuanga, Palawan na naglalayong panatilihin ang kalinisan at mapaganda ng gulayan na isa sa mga good practices ng eskwelahan.

Ang “Gulayan sa Paaralan” ay daan bilang dagdag-kita, pinagkukunan ng sariwang gulay para sa mga mag-aaral, pamilya ng mag-aaral, at mga kawani ng paaralan.

“Their commitment in maintaining and beautifying the school garden through the “Gulayan sa Paaralan” initiative is truly commendable. Their tireless efforts, perseverance, and passion have transformed our school into a greener and more vibrant place. By tending to the garden and ensuring its cleanliness, they have not only created a visually appealing environment but also provided a valuable learning opportunity for students,” pahayag ni Sofia D. Villareal, Public Schools District Supervisor ng bayan ng Busuanga.

Samanatala, ayon naman kay Mark F. Fuerza, Municipal Link ng nabanggit na bayan, sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga benepisyaryo ay nahihikayat ang iba pang indibidwal na makipagkaisa sa mga gawaing pangkomunidad.

Aniya, nakakatulong ito sa kanila na simulan at buhayin ang kanilang backyard gardening para makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pagkain at hanapbuhay.

“Thanks for being shining examples of selflessness and community spirit. Their contributions will have a lasting impact on our school. Let us continue to work together in nurturing a sustainable and greener future. Kapag nagkakaisa ay nagiging madali ang trabaho ng bawat isa. Muli, lubos ang aming pasasalamat po sa inyong lahat from teaching staff of SES & PTA officers. Salute to all 4Ps parents,” dagdag ni Villareal.