Matagumpay na natapos ang limang (5) araw na Non-Search and Rescue Training na ginanap sa Barangay Tubtub na nilahukan ng 14 volunteers mula sa bayan ng Brooke’s Point, Palawan.
Ipinakita ng mga volunteers ang pagiging masigasig at dedikasyon sa buong pagsasanay na kung saan marami silang natutunan na mga mahahalagang kaalaman sa pagtugon sa anumang sakuna na posibleng mangyari sa kani-kanilang komunidad.
Ang mga boluntaryong lumahok sa CAMP SINAG Class 01 ay masayang ipinagdiwang ang kanilang pagsusumikap at determinasyon sa pagpapahalaga sa boluntarismo.
Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), ang mga nagsipagtapos na volunteers ay handa nang maglingkod, lalo na sa konteksto ng DRRM na mahalaga sa pagtiyak ng kaligtasan at seguridad ng mga komunidad.