PHOTO//DEPED PALAWAN

Ni Clea Faye G. Cahayag

PORMAL nang ipinagkaloob sa Bancalaan National High School- Matangule Annex sa munisipyo ng Balabac, Palawan ang limang (5) bagong silid- aralan.

Ang turnover ceremony ay dinaluhan ni Laurence Amores, Community Relations Head ng CBNC, at ng ilang school heads ng Balabac District.

Ayon sa Department of Education- Palawan, ang 2.3 milyong pisong proyekto ay naging posible sa pakikipagtulungan ng Coral Bay Nickel Corporation (CBNC) at ng mga personnel ng naturang paaralan.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Junaidia Janabbil ang Teacher-in-Charge ng Bancalaan National High School- Matangule Annex sa ilalim ng pangangasiwa ni Balabac PSDS Romie Fresnillo dahil malaki ang maitutulong ng proyekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral.