Ni Ven Marck Botin
KULUNGAN ang bagsak ng dalawang suspek matapos masakote ng mga awtoridad kaugnay sa illegal na recruitment activity o human trafficking nitong ika-13 ng Agosto.
Ayon sa ulat ng Coast Guard District Southern Tagalog, lulan ng M/V Starlite Salve Regina ang mga suspek ng masakote ng mga awtoridad bataysa isinagawang joint operation ng Batangas City Police Station at PCG.
Ayon pa ahensya, ipinagbigay-alam ng Batangas Police Station sa nakatalagang coast guard station sa lugar hinggil sa “alleged illegal recruiters onboard said vessel which departed from Culasi Port, Roxas City bound to Batangas Port, Batangas City via Tablas Port, Odiongan, Romblon last 12 August 2023 at 4PM”.
Agarang nakipag-ugnayan ang CGS Batangas sa mga nakatalagang duty marshals at nag-coordinate sa kapitan ng barko para magsagawa ng monitoring sa mga pasaherong lulan ng M/V Starlite Slave Regina na nagresulta sa pagkahuli ng mga suspek.
“CGSS Romblon personnel immediately scrutinized the passenger manifest submitted by said vessel, and revealed that only Mylene Parenes was included in the manifest while two others were not included in the list,” mula sa ulat ng Coast Guard District Southern Tagalog.