Photo courtesy | CGDPAL

PUERTO PRINCESA CITY — Ligtas nang nakabalik nitong Setyembre 21 sa kani-kanilang pamilya sa Barangay Mangsee bayan ng Balabac, Palawan, ang anim (6) na mga indibidwal na naiulat na nawawala noong kasagsagan ng pananalasa ng Habagat o Southwest monsoon.

Sa ulat ng Coast Guard District Palawan, ligtas na nai-turnover ng mga tauhan ng FV Queen Bee Star sa BRP Malapascua ng Philippiine Coast Guard nitong Setyembre 20 ang mga nabanggit na kalalakihan.

Ayon pa sa ulat, naging posible ang rescue operation sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, private entities, at mga pamilya ng mga nawawalang inidibidwal.

Sa ngayon, nasa maayos na kalagayan na ang mga naligtas na kalalakihan.