Photo courtesy | Coast Guard Station Northern Palawan

Sinaklolohan ng mga tauhan ng Coast Guard Station Northern Palawan ang 60-anyos na turista matapos magkaroon ng medical emergency habang sakay ng motorbanca malapit sa Big Lagoon, El Nido, Palawan, nitong araw ng Lunes, Pebrero 17.

Itinawag ng isang concerned citizen sa mga awtoridad ang insidente na kung saan ay agad na pagpapadala ng rescue team upang magbigay ng paunang lunas sa turista.

Agad namang dinala ang nasabing turista sa lokal na pagamutan para sa karagdagang medikal na atensyon.

Samantala, hinihikayat ng Coast Guard ang publiko na maging alerto at agad ipaalam sa mga awtoridad ang anumang kakaibang sitwasyon sa karagatan para sa agarang aksyon.

Author