PHOTO | DSWD FIELD OFFICE MIMAROPA

Ni Clea Faye G. Cahayag

BINIGYANG pagkilala ang animnapung (60) benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps mula sa lungsod ng Puerto Princesa nitong ika-15 ng Agosto, taong kasalukuyan.

Sa mensahe ni Ms. Lydia M. Del Rosario, City Social Welfare and Development Officer (CSWDO), binigyang-diin nito na patuloy pa rin ang kanilang pagkalinga sa mga nagsipagtapos sa programa.

Ang aktibidad ay sa ilalim ng Pugay-Tagumpay na layuning makapagbigay ng karagdagang tulong at pag-asa sa mga miyembro na aalis na sa programa. Hangarin din nito na mas lalo pang paigtingin ang pagsisikap ng bawat pamilya na magkaroon ng maayos na hanapbuhay at pamumuhay.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development Field Office Mimaropa, ang 4Ps ay isa sa mga pangunahing programa ng national government upang tulungan ang mga pamilyang kabilang sa “poorest of the poor” sa pamamagitan ng pagkakaloob ng cash grant.

Ang seremonya ay dinaluhan nina Vice Mayor Maria Nancy M. Socrates, City Agriculture Office, Department of Interior and Local Government (DILG) Office at Robinson’s Place Palawan.

Dumalo rin dito sina Sangguniang Kabataan (SK) Federation President Myka Mabelle Magbanua, Sustainable Livelihood Program Project Coordinator Gina Bacosa, at Ms. Cherelyn Lebante, kinatawan ng tanggapan ni Congressman Edward S. Hagedorn.

Nagbigay naman ng food packs ang tanggapan ng kongresista para sa mga benepisyaryo.