Photo courtesy | JBC

PUERTO PRINCESA CITY – TUMANGGAP ng scholarship grant ang anim napu’t pitong (67) BS Agriculture students ng Palawan State University (PalSU)-Brooke’s Point kamakailan.

Ang aktibidad ay personal na dinaluhan ni Gobernador V. Dennis M. Socrates, kung saan pinagkalooban ng Educational Final Assistance (EFA) na nagkakahalaga ng P3,000 ang bawat benepisyaryong mag-aaral sa ilalim ng SPS- Alay sa Kabataan Scholarship Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa pamumuno ni Gob. Socrates.

Samantala, kasama ring dumalo sa programa ang mga kaalyado ng gobernador mula sa Lakas ng Sambayanang Palawenyo na kinabibilangan nina incumbent Brooke’s Point Vice Mayor Atty. Mary Jean Delos Angeles Feliciano, incumbent SB Members Sara Jane Crespo-Abon, Jonathan Lagrada, at Victor Colili at iba pa.

Ayon sa tanggapan ng impormasyon ng kapitolyo, ang EFA ay bahagi lamang ng SPS- Alay sa Kabataan scholarship program na ipinatutupad sa ilalim ng administrasyon ni Governor Socrates.

Ito ay tulong pinansyal na matatanggap ng mga scholars hanggang sila ay makapagtapos sa kolehiyo ng kursong agrikultura.