Photo courtesy | COMELEC
PUERTO PRINCESA CITY — Diskwalipikado sa Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023 matapos makitaan ng mga paglabag sa rules and regulations ng Commission on Elections na isinapubliko kahapon, ika-17 ng Oktubre.
Sa Facebook post, kinumpirma ng ahensya na dalawa (2) sa mga mga kandidato ay itinalagang nuissance candidates matapos gumamit ng kaparehong nicknames sa kapuwa kandidato, tatlo (3) ang ‘denied’ o ‘cancelled’ ang certificate of candidacy (COC) dahil sa material misinterpretation habang dalawa (2) naman ang diskwalipikado dahil sa kasong kinakaharap ng mga ito.
Batay sa datos, apat (4) ang kumakandidato sa pagkapunong barangay habang tatlo (3) naman ang kumakandidato bilang Sangguniang Kabataan Chairman.
Samantala, magsisimula naman bukas, araw ng Huwebes, Oktubre 19, ang election campaign period na maglalawig naman hanggang ika-28 ng nabanggit na buwan.
Ang nationwide operation baklas o pagtanggal ng mga illegal election campaign materials ay magsisimula naman sa ika-20 hanggang ika-27 ng kaparehong buwan.