PUERTO PRINCESA CITY, Philippines — Nakapag-isyu na ng 713,482 ePhilIDs sa mga Palaweño ang Palawan Provincial Statistical Office, ayon sa latest press release nito.
Ang mga identification cards gaya ng GSIS, SSS at pasaporte ay tinatawag na functional IDs kung saan ito ay inire-require ng mga nasabing ahensya at ang PhilSys ID ay isang foundational ID na tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang indibidwal.
“As of 25 June 2024, the Palawan Provincial Statistical Office successfully issued Seven Hundred Thirteen Thousand Four Hundred Eighty- two (713,482) ePhilIDs to Palaweños, more Palaweños enjoys the benefits of being PhilSys registered through easy access to services and transactions,” ayon sa impormasyon mula sa PSA.
Bagama’t hindi mandatory o sapilitan ang pagkakaroon ng National ID, malaking adbentahe ang pagkakaroon nito sapagkat layunin nito na mas mapadali ang pag-aaplay ng bawat indibidwal sa mga programa ng pamahalaan.
Libre o walang babayaran ang pagkuha ng PhilSys sa bawat Pilipino sa unang pag-isyu ngunit kung ito ay nawala o nasira ay may kaukulang babayaran ang may-ari nito.
Mayroong tatlong proseso ang PhilSys, ang Step 1 Registration ay nakatuon sa pagkuha ang demographic data ng registrant. Ang Step 2 naman ay ang pagkuha ng biometrics tulad ng fingerprints, iris scan at larawan na gagawin sa mga itatalagang lugar sa bawat munisipyo at ang huli, Step 3 ay ang pag-iisyu na ng PhilSys Numbers (PSNs) at physical IDs.