PUERTO PRINCESA CITY — Pinaghahanap ngayon ang drayber ng sasakyang Mirage na may plate number na VAB-1853 matapos masangkot sa aksidente sa Barangay Poblacion, nabanggit na bayan, na kung tinakasan nito ang nabanggang lola kahapon, Miyerkoles, Abril 10.
Sa Facebook post, humihingi ng tulong si Ginang Brenda Pilapil Efa sa sinumang nakakaalam sa pagkakilanlan ng drayber ng nasabing sasakyan na nakabangga sa 79-anyos na lola.
“Kung [sinuman] po ang nakakita ng kotse na may plate number VAB-1853 MIRAGE,
[naka-hit-and-run] po ito ng matanda na 79 [years old dito po sa Poblacion, Taytay, bandang alas 04:40 nang hapon],” ani Gng. Efa.
Humihingi ng tulong sa publiko si Gng. Efa upang mabilis na malaman ang kinaroroonan ng suspek at mapanagot ito sa nasabing aksidente.
“Humihingi po kami ng tulong [sa] publiko.
Kulay grey po [ang kulay ng sasakyan],” pahayag ng ginang.
Sa ngayon, inaalam pa ng
Repetek News
Team ang anumang update hinggil sa nasabing insidente.