Ni Vivian R. Bautista
ANG U.S. Agency for International Development o USAID ay nagkaloob ng 175,000 dolyares o katumbas niyan ang humigit-kumulang 10 milyong pisong halaga ng mga materyales para sa edukasyon at hygiene kits upang suportahan ang mga guro at Out-of-School Youth o OSY na apektado ng pagputok ng Bulkang Mayon sa lalawigan ng Albay, kamakailan.
Nakiisa sa nasabing kaganapan si USAID Philippines Regional Legal Officer Michelle McLeod kasama sina Malilipot Municipality Mayor Cenon B. Volante, Legazpi City Mayor Oscar Cristobal, at DepEd Region V Assistant Regional Director Bebiano Sentillas.
Ayon dito, makikinabang ang mahigit 1,700 na mga mag-aaral na naka-enroll sa Alternative Learning System (ALS) ng Department of Eductation (DepEd) at isandaang (100) mga guro sa 34 na apektadong barangay sa mga lungsod ng Legazpi at Tabaco, at mga bayan ng Malilipot, Sto. Domingo, Camalig, Daraga, at Guinobatan.
Bilang karagdagan sa mga materyales sa pagtuturo at pag-aaral at mga hygiene kit, nakatanggap din ng suportang psychosocial ang mga nasabing benepisyaryo.
“Our out-of-school youth have already faced so many challenges in their journey to continue their education. Through our collaboration with our Philippine partners, we are restoring education in challenging circumstances and minimizing the effects of disruption in learning,” ani McLeod said.
“These learning kits and psychosocial support from USAID will give our ALS learners and teachers a fighting chance to recover from this disaster” saad naman ni DepEd Assistant Regional Director Sentillas.
“DepEd is committed to ensuring as little disruption to education so that vulnerable youth may continue to learn and upskill towards a better tomorrow no matter how difficult the circumstances,” dagdag ni Sentillas.
Ang mga nasabing donasyon ng USAID ay bahagi umano ng tulong-kaunlaran ng pamahalaan ng Estados Unidos na suportahan ang gobyerno ng Pilipinas sa pag-iwas sa pagkawala ng pagkatuto at pagtiyak sa pagpapatuloy ng edukasyon kahit na sa mga sitwasyon ng krisis, gaya ng mga sanhi ng natural na kalamidad, batay sa ibinahaging impormasyon ng Information Office Public Affairs Section of US Embassy in the Philippines.
Samantala, ang Estados Unidos sa pamamagitan ng Advancing Basic Education in the Philippines (ABC+) program ng USAID, ay nag-donate ng mahigit 1.86 milyong pisong halaga ng learner at teacher kits sa 19 na paaralan kung saan ay makikinakinabang ang mahigit anim na libong (6,000) mga estudyante at dalawandaang (200) mga guro na apektado ng naturang kalamidad sa unang bahagi ng buwang ito.