PUERTO PRINCESA CITY – SIYAM (9) na Iskolar ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan ang pumasa sa isinagawang Medical Technologist Licensure Examination nitong Marso 2024.
Ang mga bagong pasang medical technologists ay tinulungan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng SPS Alay sa Kabataan – Programang Pang-Edukasyon para sa Palaweño o ang Medical Scholarship Program.
Ang mga nakapasang medical technologists ay sina Rarelie Rozalee S. Grimpola, Gail Emmanuelle A. Gilbuela, Samantha Ysabelle G. Yara na tagalungsod ng Puerto Princesa; Josette Rube S. Valenzuela ng Roxas; Shiena Mari Y. De Guzman ng Aborlan; Niño J. Gamarcha ng Taytay; Macolai D. Edillorana; Farhanah B. Said, at Angelica Jane F. Nicer ng bayan ng Quezon, Palawan.
Ang naturang mga iskolar ay kabilang sa 4th batch ng BS in Medical Technology scholars ng Pamahalaang Panlalawigan na kung saan ay may kabuuan ng 18 ang matagumpay na nakapasa sa nasabing eksaminasyon mula sa unang batch nitong nakalipas na taong 2022, ayon kay Ginang Maria Victoria B. Baaco, Program Manager ng PPP.
Aniya, maliban sa scholarship grant na ipinagkaloob sa mga nakapasang iskolar, lima sa mga ito ay nagkapag-avail din ng Review Assistance mula sa programa na nagkakahalaga ng tag-P50,000.00 na ginamit para sa kanilang bayarin sa review at pagkuha ng nabanggit na eksaminasyon.
Aniya, lima sa mga nakapasang iskolar ang nakakuha umano ng Review Assistance mula sa programa na nagkakahalaga ng tig P50,000.00 na ginamit para sa kanilang bayarin sa review at pagkuha ng nabanggit na eksaminasyon maliban pa sa ipinagkaloob sa kanila na scholarship grant.
Ayon sa Provincial Information Office, nais ni Palawan Governor Victorino Dennis M. Socrates na patuloy na matulungan ang mga kabataang Palaweño na makapag-aral sa pamamagitan ng nasabing scholarship program at upang mas mapalakas ang sektor ng kalusugan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng karagdagang medical professionals na maglilingkod sa mga ospital na pinangangasiwaan ng Pamahalaang Panlalawigan sa iba’t ibang munisipyo bilang pagbabalik serbisyo sa mga Palaweño.
Layunin ng nasabing programa na makapagkaloob ng tulong sa mga karapat-dapat na mga estudyante na nais kumuha ng kursong medisina at iba pang medical-related courses gaya ng Bachelor of Science in Medical Technology.