PHOTO | REPETEK NEWS TEAM

Ni Clea Faye G. Cahayag

DAHIL hindi nagkaroon ng Barangay and Sangguniang Kabataan Election (BSKE) sa loob ng mahabang panahon, isa sa mga posibleng isyu na tinitingnan ngayon ng Commission on Elections (COMELEC) ang tinatawag na “Bata-Bata System”.

Ayon kay Atty. Percival C. Mendoza, Provincial Election Supervisor ng COMELEC-Palawan ang BSKE ay dapat nananatiling “non-partisan political activity” ngunit naging tradisyon na di-umano sa bansa ang tinatawag na “Bata-Bata System”.

“Yung sinasabi po ng batas, the BSKE should always be a non-partisan political activity however it has always been a tradition in our country that BSKE– yung “Bata-Bata System; just like sa ganitong barangay [election] para bang pinagsasabong ang mga kandidato yan yung nagiging number one na potential issues natin that should be addressed so far the security is concerned,” ang naging pahayag ng opisyal sa ginanap na Kapihan sa Philippine Information Agency (PIA).

Aniya hindi lang ito mai-uugnay sa insurgency, kasama rin dito ang pagkakaugnay sa isang political clan.

“Ang problema doon sa provision na “it should be a non-partisan political activity” wala po kasing penal clause. Kumbaga halimbawa sinabi ng batas–it should be a non-partisan political activity but what if we engage ourselves in a partisan political activity would there be a penalty?.. we have to addressed that issue concerning security baka kasi sila nagkakagulo-gulo, nagbubugbugan to the point na minsan nagkakaroon ng threat, patayan pa, those are the things na we want to avoid so far the security is concerned,” binigyan diin pa ni Atty. Mendoza.

Dagdag pa nito nakasaad sa Sangguniang Kababataan (SK) Law 2016 na iniakda ni Ferdinand “Bongbong” Marcos noong siya ay Senador pa lamang, ipinagbabawal sa isang SK candidate na tumakbo sa eleksyon kung ito ay pasok sa second degree of consanguinity o affinity ng isang nakaluklok na opisyal.