PHOTO | CLEA FAYE CAHAYAG

Ni Clea Faye G. Cahayag

SA pagtutulungan ng Department of Health – Center for Health Development (DOH-CHD) MIMAROPA, Puerto Princesa City Health Office (PPCHO), Provincial DOH Office, at iba pang tanggapan ay naging matagumpay ang pag-oorganisa ng Healthy Buntis Pageant na ginanap nitong ika-16 ng Agosto sa Robinson’s Place sa lungsod.


Ang aktibidad ay dinaluhan ng mahigit 100 na mga buntis mula pa sa iba’t ibang barangay sa lungsod.

Tema nito ang “Supermoms na, Healthy pa” na layuning palakasin ang kamalayan ng mga mamamayan sa mahalagang papel ng wastong kalusugan sa pagbubuntis at sa ligtas na pagiging ina.

Sa labindalawang (12) mga buntis na nakilahok sa Healthy Buntis Pageant, kinoronahang Healthy Buntis 2023 ang pambato ng barangay Tiniguiban na si Rowena Francisco Magbanua.

Ang pageant na ito ay nagbigay inspirasyon at edukasyon para higit na mapalakas ang pagtutulungan ng mga magulang para sa kalusugan at kinabukasan ng pamilya.