PHOTO | DA RFO MIMAROPA

Ni Clea Faye G. Cahayag

MATAGUMPAY na natapos ng mga kasapi ng Buhay na Pangarap Corn Cluster Association ang labing-anim (16) na linggong pagsasanay sa Farmers Field School (FFS) On Corn Production nitong ika-23 ng Agosto.

Apatnapung (40) miyembro ng asosasyon na mula pa sa barangay Sandoval, Bataraza, Palawan ang isinailalim sa iba’t ibang pagsasanay tulad ng paghahanda ng lupa, pagpili ng binhing itatanim, tamang pag-aalaga ng pananim, at pagbebenta ng ani.

Ang aktibidad ay naging posible sa pangunguna ng Department of Agriculture- MIMAROPA katuwang ang Provincial Government of Palawan at Bataraza Municipal Agriculture Office.

Layunin ng FFS na matulungang paunlarin at linangin ang kaalaman ng mga nagmamaisan sa pagtatanim at pag-aalaga ng kanilang pananim.

Ang graduation ceremony ay dinaluhan nina Regional Corn Focal Person Engr. Franz Gerwen Cardano, Palawan 2nd District Board Member Ariston Arzaga, Municipal Administrator Valentino Palasigue, SB Member Committee on Agriculture Eddie Sagun, Barangay Captain Eddie Catague, Barangay Council Committee on Agriculture Conchita Batiller, Representative ng Provincial Agriculture Office Mila Vineranda, former Municipal Agriculturist Virginia Genilan, Acting Municipal Agriculturist Jerome Genilan, at mga tauhan ng Municipal Agriculture Office.

Author