Ni Vivian R. Bautista
NAGPAHAYAG ng suporta ang mga pangunahing stakeholder mula sa sektor ng agrikultura sa Rehiyon 4B at Eastern Visayas ang pagpapatupad ng Executive Order (EO) No. 39 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na nagtatakda ng price ceiling ng bigas sa Pilipinas.
Ang kautusan na nilagdaan ng Pangulo nakaraang ika-31 ng Agosto ay simula nang ipinatutupad ngayong araw, Setyembre 5, na nagtatakda sa presyo ng regular milled rice sa merkado sa buong bansa na papatak ng PhP41.00 kada kilo habang ang price cap para sa well-milled rice ay PhP45.00 kada kilo.
Ayon kay Bantay Buklura ARBs and Farmers’ Association President Lilian Macalood, suportado nila ang desisyon ni Pangulong Marcos na ipatupad ang mandated price ceilings sa bigas dahil umaasa silang mananatiling pare-pareho ang presyo ng bigas.
“Sumusuporta ako sa desisyon ng ating Pangulo na hanggang doon lang ‘yung price ceiling at sana ay hindi na tumaas dahil sa sobrang taas na halos hindi na makaagapay ang ating mga mamamayan at lalong lalo na ang mga nagtatanim ng palay o magsasaka,” ani Macalood.
Labis din umano silang naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng bigas sa merkado, dagdag ni Macalood.
“Kaya sana ‘yang tinakdang presyo ng ating Pangulo ang masunod at hindi itatago ng mga retailer o ng seller na huwag nang taasan ‘yan kasi hindi na talaga makaagapay ang mga mamayan sa sobrang taas. Bakit nagkakaganoon?” aniya pa.
Nagpahayag din ng suporta si Palawan ARC Cooperative Federation General Manager Reymundo Imaysay sa implementasyon ng mandated rice price caps sa merkado dahil nakikita niya ang magandang intensyon ng executive order, lalo na kapag matagumpay na itong maipatutupad.
Naniniwala si Reymundo na aalisin ng utos ni Pangulong Marcos ang hindi malusog na kompetisyon sa hanay ng mga rice traders na sinasamantala ang sitwasyon at maaalis din ang mga abusadong kartel na naglalaro ng malaki sa manipulasyon ng presyo ng bigas.
“Magiging outcome nu’n ay makakabuti ‘yung ating mga magsasaka at the same time kung ang presyo ng ‘yung price ceiling na ‘yan ay hanggang doon lang, so ibig sabihin makakabuti rin ‘yung ating mga mamimili, makabili sila ng murang mga produkto o bigas na ibebenta ng ating mga kooperatiba o kaya mga magsasaka,” saad ni Reymundo.
Ang iba pang miyembro ng mga grupong magsasaka tulad ng San Isidro Organic Farmers Association ng Brgy. San Isidro Sta. Fe, Leyte, the Yabong Kabuhayan ng Gatud (Yakag) DARPO-Oriental Mindoro of Gatud, Calapan City, Oriental Mindoro, the Genero ARB MPC of DAR-Occidental Mindoro and the Dubduban Farmers and Fisherfolks ay nagpaabot din ng kanilang suporta sa utos ng Pangulo.
Bago umalis patungong Jakarta, Indonesia nitong Lunes para lumahok sa ika-43rd ASEAN Summit at Related Summits, nangako si Pangulong Marcos na magkakaloob ng tulong para sa mga retailer ng bigas na maaapektuhan ng ipinataw na presyo nito.