Photo courtesy | PCSD Facebook page

PUERTO PRINCESA CITY — Ibinigay sa pangangalaga ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) ang isang (1) endangered specie na kuwago o Spotted Wood Owl nitong nakaraang Linggo, ika-1 ng Oktubre 2023.

Ang buhay-ilang ay una nang nasa pangangalaga ni Ginoong Romeo C. Tomarong bago, residente ng Barangay San Manuel, bago umano ito ibinigay sa pangangalaga ng ahensya.

Kaugnay rito, itinuturing o kabilang sa listahan ng “Endangered Species” o nanganganib ng maubos ang nasabing buhay-ilang ayon sa PCSD Resolution 15-521.

Samantala, nananawagan naman ang ahensya sa publiko na agarang ipagbigay-alam sa kanilang tanggapan ang isyung may kinalaman sa iligal na pangangalaga o panghuhuli sa mga buhay-ilang ng lalawigan ng Palawan. Maaaring ioagbigay-alam o sumangguni sa Wildlife Enforcement Unit (WEU) o tumawag sa mga numerong 0931 964 2212 o 0965 662 0248.