PHOTO//GERANDY BLANCO DANAO FACEBOOK PAGE

Nina Ven Marck Botin at Vivian R. Bautista

๐˜œ๐˜”๐˜ˆ๐˜—๐˜Œ๐˜“๐˜ˆ ๐˜ด๐˜ข ๐˜–๐˜ง๐˜ง๐˜ช๐˜ค๐˜ฆ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜–๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฅ๐˜ด๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜”๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ณ ๐˜Ž๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜บ ๐˜‹๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฐ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ธ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ญ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ฅ๐˜ฆ, ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ.

Sa panayam ng

Repetek News

kay Jojo Gastanes, aniya, pinatawan ng anim na buwang suspensyon ang kasalukuyang mayor ng bayan ng Narra dahil umano sa paglabag nito sa Anti-Red Tape Law (ARTA) sa ilalim ng Batas Republika 11032 partikular na sa seksiyon 21 o โ€œViolations and Persons Liable. โ€“ Any person who performs or cause the performance of the following acts shall be liableโ€ฆโ€.

Kuwento ni Gastanes, pinawalang-sala ng Ombudsman si Danao sa kasong paglabag sa grave misconduct at anti-graft. Subalit may suspension order na dumating sa alkalde nitong nakaraang Biyernes dahil umano sa paglabag ng punong-bayan sa ARTA sa kadahilanang hindi niya pagdagdag ng mga requirements sa pag-impose ng Mayorโ€™s permit laban sa nasabing complainant.

Sa kasalukuyan, nasa kamaynilaan ang kampo ni Danao upang mag-apela sa Ombudsman hinggil sa kautusan ng ahensya kamakailan.

โ€œโ€ฆmay suspension order na inilabas, natanggap namin [nitong araw ng] Biyernes. Thatโ€™s why, nasa Manila kami ngayon para [mag-file ng Motion for Reconsideration] sa desisyon ng Ombudsman,โ€ saad ni Gastanes.

Aniya, hindi na rin nagkaroon ng interes ang Citinickel Mines and Development Corporation (CMDC) sa naturang kaso.

Binigyang-diin ni Gastanes na binawi na ng complainant ang isinampang kaso kay Danao bago dumating ang nasabing suspension order.

โ€œโ€ฆang desisyon na โ€˜yan [ay] hindi na rin nagka-interes ang Citinickel. Actually, ang nag-file niyan ay [Citinickel Mines and Development Corporation] pero [binawi] na rin nila โ€˜yung kanilang [isinampang] criminal administrative liability [charges laban] kay Mayor Danao. [Although, may desisyon na bago sila nag-motion but nauna pa rin doon sa [ini-release na suspension order ng Ombudsman]. Noโ€™ng ini-release โ€˜yan kapa-file lang ng motionโ€ฆ Dapat hindi na rin tinuloy kasi may motion na rin, pero in spite with the fact, ay nag-serve pa rin ang Ombudsman,โ€ dagdag pa niya.

Author