Ni Clea Faye G. Cahayag
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฏ๐จ๐จ๐ถ๐ฏ๐ช๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฏ๐ญ๐ถ๐ฏ๐จ๐ด๐ฐ๐ฅ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฐ๐ณ๐ฅ๐ช๐ฏ๐ข๐ฏ๐ด๐ข ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ฃ๐ช๐ฃ๐ช๐จ๐ข๐บ ๐ฏ๐จ ๐๐ฐ๐ฎ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ช๐ต๐บ-๐๐ข๐ด๐ฆ๐ฅ ๐๐ฆ๐ฏ๐ต๐ข๐ญ ๐๐ฆ๐ข๐ญ๐ต๐ฉ ๐๐ณ๐ฐ๐จ๐ณ๐ข๐ฎ ๐ข๐ต ๐๐ฆ๐ญ๐ช๐ท๐ฆ๐ณ๐บ ๐๐บ๐ด๐ต๐ฆ๐ฎ ๐ด๐ข ๐๐ถ๐ฏ๐จ๐ด๐ฐ๐ฅ ๐ฏ๐จ ๐๐ถ๐ฆ๐ณ๐ต๐ฐ ๐๐ณ๐ช๐ฏ๐ค๐ฆ๐ด๐ข.
Ayon kay Vice Mayor Maria Nancy Socrates, noon pang 16th council isinusulong ang ordinansang ito matapos magpaabot ng concern hinggil sa usapin si Fr. Eugene Elivera, Presidente ng Philippine Mental Health Association Palawan Chapter.
โKasi parang โyung mga dinadala lang natin yung mga basic services pero walang mental health talaga. Itong ordinance will make sure na talagang dala-dala na rin ng City Health Office โyung services from mental health,โ ani Socrates.
Ilan lamang sa mga ipagkakaloob na serbisyo sa ilalim ng ordinansang ito ang pagbibigay ng psychosocial services tulad ng counselling, diagnosis, at pagbibigay ng mga gamot.
Ang hakbang na ito ay pagtalima rin sa Republic Act 7277 o mas kilala bilang Magna Carta for Disabled Person kung saan dapat kasama ang mental health sa public health at hospital system; Republic Act 11036 o ang Mental Health Act of 2018 kung saan kailangan rin ang pag-develop at pag-integrate ng mental health services sa komunidad.
โKasi nga nuโng pandemic ang daming problema parang na enhance โyung concern na iyan. Thereโs actually a Republic Act na nakasaad na may need talaga na mag-establish ng community based na mental health program kasi nga dapat nasa baba talaga. So, โyun parang in response doon sa RAโฆ because of the need talaga, kitang-kita naman ang need sa atin at โyung ordinance will facilitate [sa] pag-integrate ng mental health sa ibang mga health services na dinadala natin sa mga barangay,โ pahayag pa nito.
โParang mitigation to [prevent] lang. Magkaroon ng regular program [para sa] โregular interaction with the communitiesโ para kung may mga tendency [ng] mental health issues ay naagapan agad. Alam naman nating lahat [na] you brain controls โyung entirety, physical, everything, so kung hindi okay โyung mind, brain, it follows na hindi rin okay yung physical na pangangatawan at โyung lahat pa ng personality mo,โ dagdag pa ni Socrates.
Nakasaad rin sa ordinansa ang pagtatayo ng mental health facility sa lungsod.
Ang City Health Office ang magiging in-charge sa programang ito kung saan ibaba ito sa bawat barangay para matugunan ang mental health issues sa kanilang lugar.