Ni VeSinagip ng mga responders ang limang (5) mangingisdang lulan ng FV Victor 89, isang fishing vessel na pagmamay-ari ng Frabelle Fishing Corp, matapos itong masunog sa gitna ng laot at tuluyang lumubog sa katubigang sakop ng Imalaguan Island sa Barangay San Carlos, Cuyo, Palawan kahapon, araw ng Lunes, ika-15 ng Mayo, ngayong taon.
Sa ulat ng Philipine Coast Guard (PCG), sinabi ng crew sa ahensya na bandang alas-kuwatro (4:00) nang madaling araw nang marinig nito ang isang pagsabog sa auxialliary engine ng naturang barko na kung saan ay naging sanhi ng sunog.
“Nagtulung-tulong ang Coast Guard Station Eastern Palawan, Cuyo Municipal Police Station, at mga mangingisda ng Frabelle Fishing Corp. para iligtas ang limang mangingisda.” ani ng PCG sa kanilang Facebook post.
Kuwento ng ahensya, dalawang mangingisda ang nagtamo ng “first-degree-burn” sa bandang kaliwang braso at likod ng mga ito.
Dahil dito, agarang dinala ang mga biktima sa Cuyo District Hospital para mabigyan ng kinakailangang tulong medikal.
Batay sa ulat, sinabi ng mga mangigisda na naglayag sila mula Navotas Fish Port noong buwan ng Marso patungong Sulu Sea para mangisda.
Ayon dito, naka-angkla ang kanilang barko sa Imalaguan Island nang mangyari ang sunog nitong madaling araw ng Lunes.
Kahapon bandang alas-nuwebe y midya (9:40) ng umaga, tuluyang lumubog ang barkong pagmamay-ari ng Frabell Fishing Corp matapos tupukin ng apoy.
Dahil sa nasabing insidente, agarang “naglatag ng oil spill boom ang Marine Evironmental Protection Force ng Philippine Coast Guard” upang kontrolin ang posibleng banta ng oil spill sa katubigan ng Imalaguan Island.