Ni Ven Marck Botin
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ฎ๐ข๐บ๐ฏ๐ช๐ญ๐ข๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ญ๐ข๐ธ๐ฆรฑ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ด๐ช ๐๐ฆ๐ด๐ข๐ณ ๐๐ฐ๐ฎ๐ช๐ฏ๐จ๐ฐ ๐๐ฅ๐ต๐ฐ๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ฐ ๐ฎ๐ข๐ด ๐ฌ๐ช๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ โ๐๐ฐ๐ฆ๐บ ๐๐ข๐ฏ๐ฅ๐ขโ ๐ฑ๐ข๐จ๐ฅ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ด๐ข ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ถ๐ด๐ต๐ณ๐ช๐บ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ข๐ช๐ณ ๐ด๐ข๐ญ๐ฐ๐ฏ.
Si โJoey Gandaโ ay tubong Inagawan sa Lungsod ng Puerto Princesa.
Dagdag dito, siya ay isang construction supplier sa lalawigan ng Palawan. Founder at nagmamay-ari ng Puerto Princesa Queen of Queens, isang prestihiyosong pageant search para sa mga transwomen sa lalawigan; siya rin ang may-ari at head organizer ng Joey Ganda Productions, isa sa mga nag-oorganisa ng ibaโt ibang pageant events sa Palawan.
Limang (5) beses din siyang naging partnered-organizer ng Carousel Productions, isang produksiyon sa likod ng Miss Philippines Earth pageant. Nakaraang taon, dinala ni Joey Ganda ang Miss Philippines Earth 2022 sa bayan ng Coron at doon ginanap ang grand coronation ng nasabing prestigious pageant sa bansa.
Samantala, sa mga nakalipas na taon, niyakap ni โJoey Gandaโ ang adbokasiyang nagbibigay kaalaman at kampanya laban sa sakit na Human Immunodeficiency Virus o mas kilalang HIV.
Sa kagustuhan niyang makatulong sa mga miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Questioning, Intersex, Asexual+ Community, nais niyang isakatuparan ang magkaroon ng tamang kaalaman sa naturang sakit at mabigyan ng mga kaukulang tulong ang mga apektadong indibidwal partikular na ang LGBTQIA+ members laban dito.
Sa ngayon, si Joey Ganda ay nagmamay-ari ng dalawang salon sa lalawigan. Ang kaniyang mga salon branches sa Palawan ay matatagpuan sa Bgy. 1 sa bayan ng Coron at Robinsonโs Place Palawan sa Lungsod ng Puerto Princesa.
Nitong nakalipas na buwan, nagbukas ang unang salon branch ni Joey Ganda sa Metro Manila, Enero sais (6) nang pinasinayaan niya ito sa Amang Rodriguez South Market sa Lungsod ng Pasig. At nitong ika-10 ng Mayo naman, nagbukas ang kaniyang ikalawang branch sa kamaynilaan. Ito ay mamatagpuan sa Lungosd ng Marikina.
โPangalawang branch ko [sa Manila]โฆ Nauna [โyung sa Pasig City]โฆ โYung kaka-open lang, May 10, โyung sa [Marikina] branch. Ang [nag-cut] ng ribon [ay Ms. Evelyn Alvaran Cruz, CEO/Founder ng HAIR ASIA],” ani Joey Ganda.
Sa darating na buwan ng Hulyo, ngayong taon, magbubukas ang kaniyang ikalimang salon branch sa bansa na matatagpuan naman sa Cainta, Rizal.