KUNG ikukumpara ang koleksyon ng business taxes sa lungsod ng Puerto Princesa noong mga nakalipas na taon, ngayong 2023 ang naitalang pinakamataas.
Sa ibinahaging datos ni Tess Rodriguez, hepe ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) ng lungsod hindi pa man nagtatapos ang taon ay nakapagtala na ng P436,515,559.82 milyong koleksyon ng business taxes.
Aniya, ito ay higit na mataas sa nalikom na koleksyon noong taong 2020 na umabot sa 425,950, 372.63 milyon.
“As of today meron na po tayong collection na P436,515,559.82 milyon para sa business taxes natin.
Ito ay naungusan ang data noong 2020 na nagtala ng pinakamataas na 425,950, 372.63 milyon. [Kaya ngayong 2023, ito ang kinokonsidera nating pinakamataas na koleksyon ng business taxes],” ani Rodriguez.
Dagdag pa ng opisyal, nakitaan ng pagtaas ang ekonomiya ng Puerto Princesa mula taong 2020 hanggang 2022 at inaasahang mas tataas pa ngayong kasalukuyang taon.
“According to the performance of the economy ang Puerto Princesa from 2020 to 2022 ay paakyat tayo from 2.5% hanggang 14.7% naging 58.08%– 2022 palang ito, ay ngayon lalo pa tayong tumaas 2023. Hopefully, mas maganda ang ating performance,” dagdag pa ni Rodriguez.