PHOTO//J.C.D.L/FACEBOOK/LUCILO BAYRON

Ni Clea Faye G. Cahayag

๐˜๐˜œ๐˜”๐˜๐˜๐˜๐˜“๐˜๐˜•๐˜Ž ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜š๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ฏ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ด๐˜ข ๐˜‹๐˜ฆ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ต๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜—๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ญ๐˜ช๐˜ค ๐˜ž๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฌ๐˜ด ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜๐˜ช๐˜จ๐˜ฉ๐˜ธ๐˜ข๐˜บ๐˜ด (๐˜‹๐˜—๐˜ž๐˜) ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ถ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ณ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ณ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ด๐˜ข๐˜ฅ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ž๐˜ฆ๐˜ด๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฎ ๐˜™๐˜ฐ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด๐˜ช๐˜ณ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ญ๐˜ฆ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ต๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฆ๐˜ต๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ฉ๐˜ต๐˜ด ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ถ๐˜จ๐˜ข๐˜ณ.

Sa privilege speech ni City Councilor Jonjie Rodriguez, mayroong mga residente ng Barangay San Miguel na nagpaabot ng reklamo sa kanโ€™yang kasamahang konsehal Patrick Hagedorn hinggil sa madilim ng daan sa Wescom Road sa kabila na mayroon nang naikabit na mga streetlights ang lokal na pamahalaan sa lugar.

โ€œTinawagan ko po โ€˜yung ating in charge sa City streetlight si Engr. Rolly So, at atin pong napag -alaman na ang dahilan kung bakit napakadilim po nuโ€™ng Wescom Road sa kabila na [mayroon] na po tayong inilagay na mga streetlights po [roon] ay dahil daw po nasira ng kasalukuyang kontraktor ng kalsada โ€˜yung ating linya ng mga kuryente,โ€ ani Rodgriguez.

Sa kanโ€™yang pakikipag-ugnayan kay So, ilang beses na umanong nagpadala ng liham sa DPWH upang panagutin ang sangkot na kontraktor ngunit magpahanggang ngayon wala umano silang nakukuhang sagot.

โ€œIlang buwan na po ang nakaraan sila po ay nagpadala na ng sulat sa DPWH na kung saan hinihiling nila na i-compel nila po ang kontraktor na ayusin po yung mga nasirang kuryente doon ng streetlights pero tila wala pong naging tugon sa kanilang naging liham,โ€ dagdag pa ng Konsehal.

Dahil dito, isang resolusyon ang ipinasa ng Sangguniang Panlungsod na humihiling sa DPWH na bigyang solusyon ng kontraktor ang nasirang proyekto ng siyudad bilang suporta na rin sa ipinapadalang liham ng City Engineering Office sa nabanggit na opisina lalo paโ€™t matagal na itong nagdudulot ng abala sa mga residente.

Tinuran din ni Kgd. Hagedorn na makikipag-ugnayan ito kay 3rd District Congressman Edward Hagedorn para humingi ng tulong at maaksyunan ang nabanggit na problema.

Aniya, ang kalsada sa Wescom Road ay dapat natapos na noong ika-11 ng Enero ngunit hanggang ngayon ito ay hindi pa nakukumpleto.

โ€œProject was about to be done last January 11, ngayon po ay May, [itโ€™s already] five months and from what Iโ€™ve seen everyday I pass there I think there not even around 70% of the project dahil [mayroon] pa po โ€˜yang drainage na kasama, so, I do not know bakit tumatagal ng ganโ€™yan kahaba ang project,โ€ ayon kay Hagedorn.

Pagbabahagi naman ni City Councilor Luis Marcaida lll dalawang beses na nagkaroon ng committee meeting hinggil sa kalsada sa Wescom road kung saan tinuran ng kontraktor na hindi pa ito natatapos ang dahil sa mga pag-ulan.

Author