PHOTO//MAYOR EMIL T. NERI

Ni Vivian R. Bautista

𝘜𝘗𝘈𝘕𝘎 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘭𝘢𝘱𝘪𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘴𝘦𝘳𝘣𝘪𝘴𝘺𝘰 𝘯𝘨 𝘚𝘰𝘤𝘪𝘢𝘭 𝘚𝘦𝘤𝘶𝘳𝘪𝘵𝘺 𝘚𝘺𝘴𝘵𝘦𝘮 (𝘚𝘚𝘚) 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘓𝘪𝘯𝘢𝘱𝘢𝘤𝘢𝘯, 𝘮𝘢𝘨𝘵𝘢𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘯𝘨 𝘣𝘰𝘰𝘵𝘩 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘩𝘦𝘯𝘴𝘺𝘢 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘵𝘢𝘨𝘱𝘶𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘵𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘨 𝘛𝘰𝘶𝘳𝘪𝘴𝘮 𝘊𝘦𝘯𝘵𝘦𝘳 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘵𝘢𝘭𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘣𝘢𝘯𝘨𝘨𝘪𝘵 𝘯𝘢 𝘣𝘢𝘺𝘢𝘯.

Naging posible ang nasabing programa matapos makipagpulong kamakailan si Branch Head ng SSS Palawan na si Abdultalib A. Abirin kina Linapacan Mayor Emil Neri at Vice Mayor Ricky Rodriguez.

Sa pamamagitan ng “SSS on Wheels Program” nilalayon nito na mapagsilbihan ang mga residente ng Linapacan na gustong magpamiyembro sa kanilang ahensya at malaking tulong din ito para sa kanilang mamamayan dahil marami itong benepisyong maipagkakaloob.

Nagkaroon nakaraan ng orientation meeting ang mga Job Order employees ng lokal na pamahalaan na ginanap sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) room ng nabanggit na bayan.

Tumungo ang mga kinatawan ng ahensya sa Bgy. Hall ng San Miguel upang pulungin din ang mga opisyal ng barangay.

Kaugnay nito, kapag naging miyembro kana ng SSS ay maaari mo nang ma-avail ang mga sumusunod na mga benepisyo gaya ng maternity, sickness, disability, retirement, funeral at death benefits.

Pinapayagan din ng SSS ang mga kwalipikadong miyembro na kumuha ng suweldo, pabahay, negosyo, at mga pautang sa edukasyon.

Ang kontribusyon ng SSS ay 11% ng buwanang suweldo ng isang empleyado.

Author