LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA — Matatandaang una nang ipinanawagan ni Senador Win Gatchalian na ibalik sa dating school year calendar ang pasukan na nagsisimula tuwing buwan ng Hunyo at nagtatapos ng Marso o Abril.
Sa panayam ng Palawan media sa senador, sinabi nito na kapag naibalik sa dating school year ay mabibigyan ng pagkakataon ang bawat pamilya na sama-samang makapag-bonding lalo na’t panahon ng summer o tag-init madalas nagbabakasyon ang pamilya.
Aniya, makakatulong din ito sa turismo ng Palawan at Puerto Princesa dahil isa ito sa mga lugar na madalas puntahan ng mga bakasyunista.
“Nagpapasalamat po ako sa Department of Education dahil pinakinggan nila ang rekomendasyon natin. Kanina,nu’ng papunta ako [rito] may kausap ako sa Cebu Pac, sabi nila nu’ng nawala yung summer break kasi ang naging school break natin ay July to August naging matumal yung mga bumibiyahe dahil tag-ulan — sino naman ang pupunta sa Puerto Princesa kung maulan o sa ibang lugar?
Nung unti-unti raw binalik ito, nakikita raw nila maraming interesado na bumiyahe ulit kasi sa kanila long term booking so sabi nila malaking tulong sa turismo ng bansa kung ibalik sa summer break April-May yung break ng mga bata kasi yung mga pamilya sabay silang makapagbakasyon sabay sabay silang makakabiyahe. Maganda yan sa Palawan at Puerto Princesa,” ayon sa Senador.