Ni Vivian R. Bautista
DAHIL sa karangalang hatid ng Robotics Team mula sa bayan ng Roxas, Palawan, ang grupo ay binigyang pagkilala sa ginanap na sesyon ng ika-44 Sangguniang Panlalawigan ng Palawan nitong ika-23 ng Mayo, taong kasalukuyan.
Naiuwi ng grupo ang Silver Medal sa Agricultural Category sa World Young Inventors Exhibition na ginanap noong ika-13 ng Mayo sa Kuala Lumpur, Malaysia na nilahukan umano ng nasa dalawampuβt limang (25) bansa.
Naipamalas ng grupo sa naturang kaganapan ang kanilang galing sa pamamagitan ng kanilang entry na AUTOMATIC WATERING SYSTEM IN VERTICAL ORGANIC FARMING o AUWASYS VERGARMING na layon ay makatulong sa ating mga magsasaka para sa kanilang mga pananim.
Ayon sa grupo, ang pangunahing layunin ng vertical farming technique ay upang mapakinabangan ang output ng mga pananim sa isang maliit na espasyo ng pananim at itaguyod ang konserbasyon ng lupa at tubig dahil ang mga pananim ay maaaring i-recycle at gamitin nang paulit-ulit upang bigyang-daan buong taon ang paligid ng produksyon ng pananim dahil ang kontroladong kapaligiran ay maaaring maisaayos upang magbigay ng pinakamainam at lumalagong mga kondisyon para sa mga halaman. Maaari nitong malutas ang mga problema gaya ng kakulangan ng pagkain dahil nililinang umano nito ang mga produktong pang-agrikultura sa loob ng tahanan.
Sa pamamagitan ng Proposed Resolution No. 1037 na may titulong βCommending the Robotics Team from Roxas National Comprehensive High School (RNCHS) for Winning the Silver Medal in Agriculture Category at the World Young Inventors Exhibition last May 13, 2023 in Kuala Lumpur, Malaysia with Entry called Automatic Watering System in Vertical Organic Farmingβ na iniakda nina Board Member Maria Angela V. Sabando at Rafael V. Ortega, Jr.
Ang Robotics Team na mula sa Roxas National Comprehensive High School (RNCHS) ay kinabibilangan nina Vince C. Martinez bilang lider ng grupo, Oliver S. Espinosa, Isaiah N. Jimenez, Kriezel Angelic D. Verdin at Althea Stephanie P. Morales.
Kasama din ng grupo ang kanilang tagapagsanay na sina Gng. Honelley B. Balo at G. Asael Y. Palermo na naroon din sa nasabing exhibition.