PUERTO PRINCESA CITY — Dismissal mula sa serbisyo ang ipinataw ng Korte Suprema bilang parusa kay Judge Edralin C. Reyes, Presiding Judge ng Branch 43, Regional Trial Court (RTC) ng nabanggit na Lungsod, sa lalawigan ng Oriental Mindoro.
Ayon sa Supreme Court of the Philippines, si Reyes ay direkta umanong humingi ng suhol sa mga abogado, litigante, at maging sa mga lokal na elective officials kapalit ang mga paborableng desisyon.
Batay sa per curiam decision ng SC, hinatulan ng Court En Banc si Judge Edralin C. Reyes na nagkasala ng Gross Misconduct at iniuutos ang pagpapatalsik sa kanya mula sa serbisyo.
Iniutos din ng Korte ang pag-alis ng kanyang retirement benefit at iba pang mga benepisyo, at diskwalipikasyon na makapag-aplay ng trabaho sa anumang sangay o ahensya ng gobyerno, kabilang ang mga korporasyong pag-aari o kontrolado ng pamahalaan.
Pinagmumulta rin si Reyes ng halagang Php 17,500 para sa Simple Misconduct kaugnay sa kanyang ginawang kapabayaan sa pangangasiwa sa kanyang mga kawani ng hukuman at pagtiyak ng maayos at ligtas na sistema ng pag-iingat ng rekord at ebidensya sa kanyang hukuman, na nagresulta sa pagkawala ng mga baril, exhibits, at piraso ng ebidensya na nasa kustodiya ng hukuman.
Binigyang-diin din ng korte na ang isang computer na ipinagkaloob ng gobyerno, kahit pa kontrolado ito ng pribado, ay napapasailalim pa rin ito ng government employer. Ito ay kaugnay ng paggamit ng computer at laptop para sa pribadong layunin na ayon sa Korte ay dapat umano itong gamitin upang mapadali ang gawain ng mga hukuman sa paghatol ng mga kaso
“These circumstances convince this Court that Judge Reyes cannot successfully claim that the state unduly intruded into a personal matter,” pahayag ng Korte Suprema.
“Further, even if the Court considered the MISO and OCA’s retrieval of the iPhone messages as violation of Judge Reyes’s right to privacy, this Court finds that the information obtained by the judicial audit team should be treated as an exception, as it is an inevitable discovery,” said the Court. “Indeed, an administrative investigation would have been conducted, and the judicial audit team would have found the incriminating information even without the SMS/iMessage exchanges from the laptop…Thus, in the natural course of events, the evidence and information contained in the judicial audit team report would have reached this Court.”