PHOTO//MUNICIPAL GOVERNMENT OF EL NIDO

Inanyayahan ng Lokal na Pamahalaan ng bayan ng El Nido ang lahat ng Travel and Tours at Boat operators sa isang pagpupulong hinggil sa usaping ‘Island Food Preparation’ na ginanap nitong nakaraang Biyernes, ika-19 ng Mayo, taong kasalukuyan.

Ang nasabing pagpupulong ay may kaugnayan sa kamakailang pagbisita ni Department of Health (DOH) – Officer-In-Charge (OIC) Secretary Ma. Rosario Vergeire sa nabanggit na bayan na kung saan ay tinalakay ang usapin ukol sa kaso ng Acute Gastroenteritis o AGE sa lugar, kamakailan.

Ayon sa kanilang lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Municipal Health Office Sanitation ay tumataas ‘di umano ang kaso AGE sa lugar kaya’t napagpasyahan ng pamunuan ng DOH na itigil ang lahat ng island-hopping food handling o paghahanda ng mga pagkain habang nagsasagawa ng ‘island-hopping’ sa bayan ng El Nido.

Sa Facebook post ng Municipal Government of El Nido, nais ni Sec. Vergeire na lutasin muna NG nasabing bayan ang ukol sa kaso ng Acute Gastroenteritis sa loob ng tatlong (3) buwan.

Ang AGE ay isang karaniwang nakakahawang sakit o syndrome na nagdudulot ng ng pagduduwal, pagsusuka, pagdudumi, at pananakit ng tiyan, na kadalasang sanhi ng bacterial o viral tummy bug.

Kaugnay nito, sinasabi ng mga ‘health experts’ na ang AGE ay nangyayari kapag ang pagkain o tubig ay nalagyan ng mga pathogenic microorganism gaya ng Clostridium perfringens, Vibrio cholera, E. coli.

Samantala, tinanggap naman ng mga lokal na opisyal ng El Nido ang hamon at pinangunahan ang mga hakbang upang agad na malutas ang usapin.

Bukod dito, ang pagbabawal sa paghahanda ng pagkain sa mga island-hopping tour ay isa lamang sa maraming hakbang na napagkasunduan ng lokal na pamahalaan at mga island operators na ipatupad sa lalong madaling panahon.

“Although the main course is planned ahead through the El Nido Rehabilitation Task Force o ENRTF which takes charge of the overall rehabilitation matters which includes water quality, wastewater discharges, solid waste management, and compliance, all related to environmental protection, and the like,” saad ng tanggapang pang-impormasyon ng bayan ng El Nido.

“Seemingly, taking relative considerations prior to the implementation of such a move, the local government is set to provide transparent alternative solutions to balance the wave of the situation which may swiftly shift to better the island experiences of the visiting tourists,” dagdag ng tanggapan.

Author