PHOTO//DSWD FIELD OFFICE MIMAROPA

Ni Vivian R. Bautista

PAGSASAKA ang pangunahing hanapbuhay sa Barangay Campong Ulay, sa bayan ng Rizal, Palawan, kaya’t pormal nang pinasinayaan ng Department of Social Worker and Development (DSWD) – Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) ang proyektong Solar Dryer na mayroong warehouse at perimeter fence sub-project na makakatulong sa mga residente sa lugar.

Ang nabanggit na proyekto ay nagkakahalaga ng 1,111,567.60 milyong piso na ipinagkaloob ng DSWD KALAHI-CIDSS na binuksan nitong ika-19 ng Mayo, ngayong taon.

β€œSa wakas may malapit nang [bibilaran], iimbakan, at gigilingan ng palay,” banggit ng isang community volunteer at isang magsasaka ng barangay Campong Ulay.

Anila, tuwing tag-ulan marami umanong ani sa naturang barangay ang nasisira at nasasayang dahil sa kakulangan ng pasilidad, kaya sa pamamagitan ng paggamit ng Community-Driven Development o CDD, nabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na tukuyin ang problema ng kanilang pamayanan at sila’y naging kasama na sa pagpaplano, pagbuo, at pagsasagawa ng DSWD KALAHI-CIDSS at mga kalakip na proyekto rito.

Ang programang DSWD KALAHI-CIDSS ay tumutulong sa mga komunidad o mahihirap na munisipalidad na matukoy ang mga mga problemang may kinalaman sa kahirapan at gumawa ng matibay na plano para sa sustenableng kaunlaran.

Author