Photo Courtesy | CG-Palawan

Ni Marie F. Fulgarinas

PUERTO PRINCESA CITY — Sa ikinasang joint operation ng Palawan Council for Sustainable Development Wildlife Enforcement Unit (PCSD WEU) katuwang ang Coast Guard Intelligence Group Palawan (CGIG PAL), nasamsam ang humigit-kumulang 126 Board Feet ng abandonadong Ipil Lumber sa Sitio Kakawitan, Barangay Tagusao, sa nabanggit na bayan, nitong Marso 17, 2024.

Natuklasan din ng mga operatiba malapit sa lugar ang tinatayong bahay na gawa sa Ipil na kahoy na tinatayang aabot sa 80 Board Feet. Ang itinatayong bahay ay pagmamay-ari umano ni alyas “Yano”, 60-anyos, Barangay Tanod at residente ng nabanggit na lugar.

Hinanapan ng mga kaukulang dokumento ang may-ari ng bahay ngunit walang itong maipakita kaya’t kinumpiska ng operatiba ang mga kahoy na may market value na aabot sa 8,240.00.

Sa ngayon, ang mga iligal na kahoy ay nasa pangangalaga ng PCSD habang mahaharap naman sa kasong paglabag sa Presidential Decree 705 o Illegal Logging ang nabanggit na suspek.

Author