Ni Clea Faye G. Cahayag
INAANYAYAHAN ng City Government of Puerto Princesa ang mga mamamayan ng lungsod na makiisa sa pagdiriwang sa Pista Yβ Ang Cuyonon sa darating na Agosto 4, 2023 na may temang βPamaliquid sa Culturang Cuyononβ.
Sa ilalim ng selebrasyong ito, mayroong inihandang mga patimpalak ang City Tourism Department katuwang ang Cuyonon Council of Puerto Princesa.
Una rito, ang Drum and Lyre Competition na may premyong naghihintay na P50,000.00 para sa 1st prize; P30,000.00 para sa 2nd prize; P20,000.00 para sa 3rd prize; at magkakaloob ng tag-P10,000.00 para sa pitong (7) consolation prizes.
Ito ay bukas para sa lahat ng antas sa elementarya ng mga pampubliko at pampribadong paaralan sa lungsod. Ang piyesa ay kinakailangang mayroong tatlong (3) musikang Cuyonon. Ang bawat pangkat ay binubuo ng hindi bababa sa apatnapung (40) partisipante at hindi lalagpas sa isang daan (100).
Ang application form ay makukuha sa tanggapan ng Turismo at dito rin isusumite simula nitong ika-2 ng Mayo hanggang ika-7 ng buwan ng Hulyo 2023.
Pangalawa, ang Cuyonon Vlog Contest na may premyong P30, 000.00 para sa 1st prize; P20, 000.00 sa 2nd prize; at P10, 000.00 para sa 3rd prize. Bibigyan din ng 5, 000.00 pesos ang pitong (7) mag-uuwi ng consolation prizes.
Diyalektong Cuyonon ang gagamitin sa patimpalak at kinakailangan may salin (subtitle) sa wikang Ingles. Ang paksa naman ay tungkol sa mga katutubong kultura ng Cuyonon.
Ang pagpapatala ng entry ay sa pamamagitan ng google form na makikita sa Puerto Princesa Fan Page at ang deadline ay sa Hulyo 7, 2023.
Pangatlo, ang βKaansianuan Nga Mga ATIβ na may gantimpalang P30, 000.00 para sa 1st prize; P20, 000.00 para sa 2nd prize; at P10, 000.00 sa 3rd prize. Mayroon ding matatanggap na tag-3, 000.00 pesos ang pitong (7) mag-uuwi ng consolation prizes.
Ang mga kalahok ay kailangang magdala ng patunay ng kanilang edad at patunay na residente ng lungsod sa araw ng pagpapatala tulad ng Birth certificate, Barangay Certificate, at anumang uri ng valid Identification (ID) card.
Ito ay bukas para sa lahat ng 18 taong gulang pataas. Ang bawat pangkat ay binubuo ng 15-20 miyembro at mayroong tatlo (3) hanggang limang (5) minutong presentasyon.
Maaaring personal na magpatala sa tanggapan ng turismo o sa pamamagitan ng e-mail ([email protected]) simula ika-5 hanggang ika-15 ng Hulyo 2023.