Photo Courtesy | CGSEP

Ni Marie F. Fulgarinas

PUERTO PRINCESA CITY — Matagumpay na nahuli ng Coast Guard Station Eastern Palawan ang dalawang barkong pangisda na nagsasagawa ng illegal fishing operations sa karagatan ng Barangay Balaguen, nabanggit na bayan.

Sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad, nahuli ang mga barkong FV Golden Rod-2 at FV Ranger 75 na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Newport Fishing Corporation mula Zamboanga City.

Sa pagsusuri, nakumpirma na nagsasagawa ng fishing operations ang dalawang barko gamit ang superlight sa loob ng karagatan ng Magsaysay, Palawan, na mahigpit na ipinagbabawal na pumasok sa nasabing karagatan alinsunod sa Municipal Ordinance No. 2020-239 at Resolution No. 085-2010.

Agad na ipinatawag ng ahensya ang mga nahuling tauhan para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposisyon nga mga nabanggit na sasakyang-pandag

Author