Photo Courtesy | Bureau of Corrections

PUERTO PRINCESA CITY — NAGTAGISAN ng galing ang mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) ng Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa kauna-unahang Lawn Tennis Summer Tournament 2024 na isinagawa sa Central Sub-Colony (CSC) IPPF nito lamang Marso 22- 23, 2024.

Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor) ang aktibidad na ito ay sa ilalim ng Recreation Program ng IPPF na layuning hasain ang talento ng mga PDLs at mas paunlarin ang kanilang mga kalusugan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga recreational activities.

Tema ng 1ST Lawn Tennis Summer Tournament ang “Pinaigting na Pampalakas, Kaagapay sa Maayos na Kalusugan.”

“All of the athletes fairly played, which exhibited good sportsmanship and built a spirit of camaraderie among each participant. Some personnel also joined the tournament, which brought the personnel and PDLs together in the name of sports,” ayon sa BuCor.

Tiniyak naman ni IPPF Superintendent Gary Garcia na patuloy ang kanilang pagsasagawa ng mga kahalintulad na aktibidad tungo sa maayos na komunidad sa loob ng IPPF.