PALAWAN, Philippines — NANGUNA ang El Nido sa mga pinasyalang lugar sa lalawigan ng Palawan dahil sa naitalang ‘same-day visitor’ o mga pumasyal ng araw na iyon ngunit hindi nag-overnight sa mga hotel accommodations.
Ayon sa Palawan Provincial Tourism Office, umabot sa isang milyon ang naitala batay sa visitor count summary simula Enero 1 hanggang Abril 16 taong kasalukuyan mula sa top 5 tourist attractions na kinabibilangan ng Commando Beach, Secret lagoon, Payong Payong, Shimizu at Big Lagoon.
“Just as we end the first quarter of the year, El Nido’s tourist attractions proved its dominance as most frequented by tourists, too,” wika ng PPTO.
Sinundan naman ito ng Lungsod ng Puerto Princesa (65K), ang Coron (53K), San Vicente (43K) habang nakapagtala naman ang Balabac ng 35 libong same day visitor.
Samantala, nilinaw ng PPTO na ang kabuuang bilang ng mga namasyal sa mga tourist attractions o same day visitors ay magkaiba sa tourist arrivals na naitala mula sa iba’t ibang accomodations sa pamamagitan TourLista portal.